Hindi napakinabangan ng San Miguel ang double-double performance ni June Mar Fajardo matapos pataubin ng Blackwater Bossing ang koponan nito, 109-106, sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Miyerkules.

Bumalikwas ang Blackwater sa 15 puntos na abante ng Beermen sa tulong nina Baser Amer at Mike Ayonayon.

Naibigay ni Amer ang bentahe ng kanyang koponan matapos magpakawala ng tres, 32.9 segundo na lang sa regulation period. Gayunman, hindi nito nakumpleto ang four-point play kasunod ng foul kanya ni Chris Ross.

Nadagdagan pa ang abante ng Bossing sa layup ni Ayonayon nang maagaw nito ang pasa niCJ Perez, 22.8 segundo na lang ang natitira sa orasan.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Nagtangkangipuwersang Beermen sa overtime ang laro, gayunman, nagmintis ang dalawang tres nina Marcio Lassiter at Diamond Stone sa papaupos na oras.

Nagsalansan ng 20 puntos ang import ng Bossing na si Cam Krutwig, dagdag pa ang 18 rebounds, 10 assists, dalawang blocks.

Naging solido naman ang laro ni Fajardo sa nakolektang 23 puntos, 16 rebounds, apat na assists, isang block at tatlong steals. Gayunman, kinapos ito sa pagkatalo ng Beermen.

PNA