Viral kamakailan ang ibinahaging school assignment ng isang bagets matapos basagin nito ang “panlalaki lang o pambabae lang” na mga kulay base sa nakasanayan o karaniwang pamantayan sa lipunan.

Proud na iflinex ng mommy na si Hanna Chevy Fiel ang isang activity ng anak kahit aniya’y hindi ito makakakuha ng perfect score.

Sa nasabing activity, dalawang kulay kasi ang pagpipilian lang para sa mga kagamitang nasa worksheet: pula para sa babae, at bughaw naman para sa lalaki.

Para sa bagets ni Mommy Hanna na si Demi, makikitang lahat ng mga larawan sa activity kinulayan niya ng pula, maging ang laruang fire truck, bola, bukod sa iba pa.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“I could tell her to color the fire truck and the ball blue just so she would get the "correct" answer. But I am sticking with the values I want to impart to her,” pagbabahagi ng ina sa ngayo’y viral Facebook post.

“I always say to her 'walang pang-girl lang, wala ring pang-boy lang,' kahit anong gusto mo, pwede ‘yun sayo.

“There are days when she plays with her dolls, some days she plays with her train. Sometimes she requests that she wear a dress, her crown, and her sandals. There are days when she chooses to wear sneakers.

“As early as now, I want my daughter to realize that being born female should not limit her from doing things that she likes, even if people think it's ‘unconventional.’ At the same time, I am teaching her to be respectful and nonjudgmental of other people's choices,” pagpapatuloy ng mommy.

Aprub sa libu-libong netizens ang kuwento ng ina na pinusuan at ni-like na ng nasa mahigit 74,000 netizens.

Ilang Facebook users naman ang nagpunto sa “outdated” nang worksheet para sa mga bata.