Kinuwestiyon niHouse deputy minority leader ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Singapore kamakailan dahil sa paggamit umano nito ng isang jet na pag-aari ng pamahalaan.

Ang hakbang ni Castro ay kasunod ng Facebook post ni Marcos kaugnay ng biyahe nito, kasama ang mga miyembro ng kanyang pamilya at kaalyado upang manood ng Formula 1 Grand Prix.

“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!” bahagi ng social media post ni Marcos.

Sa isang television interview, iginiit ni Castro na dapat na tanungin kung naging produktibo ang biyahe ni Marcos at dapat magpakita ng patunay kung ano angnapag-usapano naging benepisyo na naiuwi para sa bansa.

Dapat din aniyang ipakita kung sino ang gumastos sa kanyang pagpunta sa Grand Prix.

Nasa maling pagkakataon aniya ang biyahe ni Marcos dahil katatapos lang ng Super Typhoon 'Karding' sa bansa at hindi rin umano nito nabisita nang husto ang mga naapektuhan ng kalamidad.

Paliwanag ng kongresista, kung mapapatunayang ginamit ni Marcos ang government jet, masasabi na may nagamit na kaban ng bayan.

Ipinakikita lang aniya ng mga Marcos ang "family lifestyle" sa nabanggit biyahe, sa kabila nang paghihirap ng maraming Pilipino.

  • Sa panig ng Malacañang, pakay umano ni Marcos na humikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.