Trending sa Twitter ang bandang "Eraserheads" matapos lumabas ang isang pubmat na naglalaman ng presyo ng tiket para sa kanilang reunion concert sa Disyembre, bago matapos ang 2022.

Screengrab mula sa Twitter

Gaganapin ang "Ang Huling El Bimbo" reunion concert sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City, na muling pagsasama-sama nina Raymund Marasigan, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at lead vocalist nitong si Ely Buendia.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang "Moshpit" o pinakamalapit sa entablado ay nagkakahalagang ₱17,260, ang VIP naman ay ₱14,610, at ang Platinum ay ₱12,180.

Ang Gold naman ay ₱9,740, Silver ay ₱5,480, at ang Bronze ay ₱3,050.

Larawan mula sa Twitter

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May ilan naman kasing nawindang sa mahal ng tickets nila. May mga nagsabi pang presyuhang international artists na raw ito.

"Pagkamahal-mahal naman! Worth it ba?"

"Medyo mali rin yung ibang reaction sa EHeads reunion ticket prices na 'International artists 'yan?' I think deserve din naman ng mga Filipino musicians maningil ng malaki. Lalo na if they earned it."

"Deserve naman nila eh. Wag na lang mang-bash kung hindi naman bibili."

"Mura na 'yan guys ☺️☺️☺️ saka worth it naman kasi matagal tagal na kasi huling concert nila go #Eraserheads2022.

"I mean, EHeads is a legendary filo band so I guess it's justified I'm just upset kasi ang hirap maging hampaslupa."

Samantala, bago nito ay pinag-usapan muna ng mga netizen ang umano'y hamon ni Ely kay Marcus Adoro na i-settle muna nito ang isyu sa anak at dating partner, bago siya pumayag na makipagtrabaho rito. Non-negotiable umano ito, ayon sa manager ni Ely.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/25/ely-buendia-makikipagtrabaho-lang-daw-kay-marcus-adoro-pag-inayos-ang-isyu-sa-anak-ex-partner/">https://balita.net.ph/2022/09/25/ely-buendia-makikipagtrabaho-lang-daw-kay-marcus-adoro-pag-inayos-ang-isyu-sa-anak-ex-partner/