Nasa kabuuang P633,000 ang halaga ng tatlong modern art sculptures na tadtad ng Swarovski crystals, ang natangay kay Jef Albea sa isang five-star hotel sa Paris, France kamakailan.

Tampok sa dalawang prestihiyusong art exhibit ang mga obra ng Pinoy artist sa France: ang International Contemporary Art Fair sa Paris Expo Porte de Versailles mula Setyembre 23-25 at Paris Fashion Show noong Oktubre 1.

Basahin: KILALANIN: Jef Albea at ang kanyang nakamamanghang mga iskultura – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman masayang maging kinatawan ng Pilipinas sa international arena, isang karanasan ang naiwan sa Pinoy visual artist. Tatlo sa kaniyang pinaghirapang obra ang natangay sa isang five-star hotel, sentro ng Paris noong Setyembre 27.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Albea, matapos ang unang exhibit, mula Paris ay sumadya siya sa Milan para sa ilang kliyente.

Laging gulat na lang ng kaniyang team nang mabalitaang nawawala na sa lobby ng Aparthotel Adagio ang tatlong obra kung saan ipinagkatiwala ng Van Gogh Art Gallery ang nasa 16 artworks ni Albea para sa dalawang international art fairs.

Larawan ng mga nawalang obra ni Jef Albea sa lobby ng Aparthotel Adagio

“When I arrived in Paris, my team went to the hotel and looked for the artwork. Kulang ng tatlo. Nagalit sila sa’kin and they told me that maybe someone stole the artworks dahil full of diamonds and crystals daw. They pushed me away, they even contact the police, they screamed and told me - ‘Sorry, we lost them,’” pagsasalaysay ni Albea sa Balita Online.

Dito sunod din umanong pinagtawanan lang siya ng ilang tauhan ng hotel, bagay na nagpaalala naman sa kaniyang dedikasyon para sa mga nawalang obra.

“Bumalik ako at sinabi ko na hindi ako aalis ng hotel hangga’t hindi ko nalalaman ang totoong nangyari. I asked for CCTV footages but they refused to show them to me. Nilakasan ko ang boses ko at pinaglaban ko ang karapatan ko dahil alam kong wala naman akong nagawang mali or labag sa batas nila,” saad ni Albea.

Maya-maya pa’y hinarap na siya ng manager ng hotel at dito inaming isa sa mga empleyado nila ang kumuha ng tatlong mamahaling sculptures.

Isa sa tatlong obra ni Jef Albea na tinangay sa Aparthotel Adagio

Nasa P211,000 ang halaga ng bawat sculpture ni Albea na tadtad ng Swarovski crystals mula pang Netherland and Switzerland.

“The hotel management admitted and they fired the employee in front of me (Indian girl). The hotel refused to pay for the stolen artwork and just asked the Indian girl to pay for everything. She earns €800 a month and I think that’s impossible for her to pay for the artwork,” pagpapatuloy na salaysay ni Albea.

Maging ang Van Gogh Art Gallery ay tumangging panagutan ang nawalang niyang mga obra.

“I sent them a message, ang sabi nila, it’s out of their responsability since they sent photos of the artworks in the hotel, and since inamin ng hotel na kinuha nila, labas na daw sila,” anang Pinoy artist.

Sa pag-aalalang hindi kayang bayaran ng nasabing tauhan ng hotel ang natangay niyang art pieces, na umano'y itinapon na rin, dito ay tumanggi na si Albea na panagutan ng suspek ang mga nawalang obra.

“Nakakalungkot na nawala ang mga pinaghirapan ko, pero mas nakakalungkot na may isang malaking kompanya na dinidiin ang Indian girl para magbayad ng mahigit kalahating milyon [ang] worth. She said she has two kids at kailangan niya ang trabaho niya, nakakaawa,” ani Albea.

“I just told the hotel management na they have to treat everyone fairly. No matter what color, no matter what gender at kahit anong estado sa buhay, they have to treat people na magkakaparehas and always offer help and kindness,” dagdag ng Pinoy artist.

Sa kabilang banda, sold-out naman ang nasa kabuuang 13 art pieces na itinampok sa dalawang exhibit ni Albea sa tinaguriang “City of Lights.”

“I tried looking at the brighter side of everything. Madaming Pilipino ang tumulong sa akin. Pumunta ang mga kapatid ko from New York and London. My mom was there too,” aniya.

“Nakakatuwa ang mga Pilipino doon. They never forget where they came from. They really helped me a lot.”