Kinondena ng National Union of Journalist of the Philippines ang pagpatay sa broadcaster-komentaristang si Percy Lapid matapos umanong pagbabarilin habang nasa loob ng kaniyang kotse sa Las Piñas City, bandang 8:30 ng gabi, Oktubre 3.

Ayon sa pahayag ng NUJP nitong Martes, Oktubre 4, ang pagpatay umano kay Lapid ay nagpapakita na nananatiling mapanganib na propesyon ang pamamahayag.

"The killing shows that journalism remains a dangerous profession in the country. That the incident took place in Metro Manila indicates how brazen the perpetrators were, and how authorities have failed to protect journalists as well as ordinary citizens from harm," saad nito.

Nakikiramay ang NUJP sa pamilya ni Lapid maging sa kapatid nito na isa ring veteran journalist na si Roy Mabasa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nananawagan din sila sa Philippine National Police na panagutin kung sinuman ang salarin.

"We condole with Lapid's family, including his brother and veteran journalist Roy Mabasa."We call on the public to join us in condemning yet another murder of a journalist. We call on the Philippine National Police to hold the perpetrators accountable."

Si Percy Lapid o Percival Mabasa sa tunay na buhay ay kilalang kritiko ni dating Pangulong Duterte, at ngayon, ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/04/broadcaster-na-si-percy-lapid-patay-matapos-pagbabarilin-sa-las-pinas-city/