Nagpahayag na rin ng pagkondena sa pagkakapatay kay radio commentator Percy Lapid ang dating kandidato sa pagkasenador na si Neri Colmenares.

Pinaslang ang mamamahayag dakong 8:30 ng gabi, sa isang village sa Las Piñas City nitong Oktubre 3.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/broadcaster-na-si-percy-lapid-patay-matapos-pagbabarilin-sa-las-pinas-city/">https://balita.net.ph/2022/10/04/broadcaster-na-si-percy-lapid-patay-matapos-pagbabarilin-sa-las-pinas-city/

Tinambangan ng dalawang "riding-in-tandem" ang host ng "Lapid Fire", na matapang sa kaniyang pagbibigay-komentaryo sa dati at kasalukuyang administrasyon at sa kanilang mga kaalyado.

Ayon sa tweet ni Colmenares, "I join the media and other rights organizations in condemning the killing of Percival 'Percy Lapid' Mabasa last night."

"This attack adds to the list that makes the Philippines one of the worst places for press freedom."

Sa kasalukuyan ay trending ang "Percy Lapid" at "#JusticeForPercyLapid".

Ayon sa ulat ng pulisya, wala pang malinaw na motibo sa pagpaslang sa naturang mamamahayag. Sa kabilang banda, naniniwala umano ang kaniyang pamilya na may kinalaman sa kaniyang trabaho ang dahilan nito.

Nagbigay na rin ng pagkondena rito ang iba pang mga personalidad, maging ang National Union of Journalists of the Philippines.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/nujp-kinondena-ang-pagpatay-kay-percy-lapid/">https://balita.net.ph/2022/10/04/nujp-kinondena-ang-pagpatay-kay-percy-lapid/