Naantig ang damdamin ng mga netizen sa viral tweet ng isang nagngangalang "Nicole", matapos niyang ibahagi ang litrato ng isang pet dog na umano'y inabandona ng kaniyang young dog owner, upang ipaampon sa iba.

"Hello! I found an abandoned dog near Mandaluyong City Hall. Here are some of her photos, along with the note attached to her leash. If you'd like to adopt her, I brought her to (the) Philippine Pet Birth Control Center Foundation in Boni Ave," aniya.

Mas nakasasaling ng damdamin ang iniwang sulat ng kaniyang young dog owner, na may habilin sa sinumang makakapulot at mag-aampon kay "Panda". Nakasulat ito sa isang lukot-lukot na papel na pinilas mula sa isang kuwaderno.

"Kuya/Ate, kung sino po ang makabasa nito, sana po alagaan ninyo nang maayos ang aso ko, kaya ko po ginawa ito dahil lagi nagagalit si Mama sa kaniya, hindi ko man kagustuhan. Sorry PANDA. Panda po name niya," saad sa sulat-kamay na mensahe ng nag-iwan sa aso.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

https://twitter.com/stubbornicole/status/1576543651463073792

Batay sa latest update sa aso, nasa pangangalaga na ito ng isang beterinaryo sa PPBCC Vetinerary Hospital.