Napabilib ng Latina singer at digital content creator na si Waleska Herrera si "Queen of Soul" Jaya matapos kantahin ang OPM hit nitong “Hanggang Dito Na Lang” sa naganap na 1MX London noong Linggo, Oktubre 2.

Nakarating sa Pinay OPM icon ang performance ni Waleska sa pamamagitan ng isang Twitter post ng music producer at composer ng kanta na si Rox Santos.

“Oh wow! Amazed to see my composition #HanggangDitoNaLang given life by our country’s one & only queen of soul @jayasoul! Has been performed by Efra and Waleska a British artist at the 1MX Music Festival in London!” mababasa sa tweet ng music producer kalakip ang nasa dalawang minutong performance ng magkapatid.

Aprub kay Jaya ang pagkakanta ng UK-based singer na napa-tweet din para magpasalamat sa pagtangkilik sa original Pinoy music (OPM).

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Awh she’s so good! Thanks, Waleska for singing our sing in Filipino!!!” ani Jaya.

https://twitter.com/jayasoul/status/1576455493555740672

Tugon ni Waleska sa Pinoy artists, “So much love and respect to you both for bringing such a beautiful composition to life.”

Anang singer, “inspiration” para sa kaniya ang dalawang music artists.

Waleska Herrera/Instagram

Si Waleska, kasama ng kaniyang kapatid na si Efra, ay kilalang content creator at YouTube reactors ng kadalasang Pinoy contents.

Sa pag-uulat, mayroong nasa mahigit 766,000 subscribers na ang YouTube channel ng Latino siblings.

At sa naganap na 1MX London kasama sina Bamboo, Darren Espanto, KZ Tandingan, EZ Mil, at bukod sa iba pa, ang magkapatid na Herrera ay kabilang sa mga front-acts ng naturang music festival.

Maliban sa kanta ni Jaya, pinerform din ni Waleska ang "Someday," isang OPM hit ng tinaguriang ">"Soul Siren" na si Nina.