Kamakailan lamang ay nagsagawa ng isang concert ang sikat na Korean rapper na si "Jessi" kung saan ang naging direktor ay si Kapamilya actor/director John Prats.

"Did you know this was @jessicah_o first solo concert? What a privilege it was to be her first concert director, and it was my first time directing a K-pop concert. I'll never forget this!" ayon sa caption ng direktor sa kaniyang Instagram post.

"Thank you so much. ❤️🙏🏻 unforgettable," tugon naman ni Jessi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa naturang solo concert, sinabi mismo ni Jessi na kung sakaling magreretiro na siya sa showbiz, maninirahan daw siya sa Pilipinas.

"I swear, if I ever retire, I will move to the Philippines," pangako nito sa mga dumalo sa kaniyang concert.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Yes para ma-experience mo yung golden age na sinasabi nila."

"BEH WAG SINASABI KO SA 'YO."

"Dzai, mag-isip isip ka baka overwhelmed ka lang kagabi."

"Wag mo na antayin mag-retire ka pa."

"Let her stay here if she wants to, she just loved and appreciated all the love and support that she got during her stay here."

"Ako nasa US but I swear, I really want to live back in my beloved Philippines!"

"Maraming nagsabi 'wag dito, ganoon ba ninyo minamaliit ang bansa ninyo, buti nga ibang lahi na-appreciate ang bansa natin pero kayo ewan na lang, si Ryan Bang nga na purong Korean inooferan ng malaki sa Korea pero pinili niya pa rin ang Pinas!"

Samantala, sa kaniyang latest Instagram post ay sinabi ni Jessi na forever grateful siya sa mga Pilipinong nagtungo at nakiiisa sa kaniyang first solo concert.