Ang kauna-unahang Filipina-Texan na si R’Bonney Nola ang kinoronahang Miss USA 2022 na makakatapat din ng Filipino-Italian Celeste Cortesi sa Miss Universe competition sa 2023.

Ang 28-anyos na si Gabriel ang hinirang na bagong titleholder sa prestihiyusong finale ng Miss USA nitong Lunes, Oktubre 3 sa Grand Sierra Resort sa Reno, Nevada.

Ang lokasyon ng pageant ay bilang pag-alala rin sa pride ng Nevada at namayapang si Miss USA 2019 Cheslie Kryst.

Tinalo ni Gabriel ang nasa 50 iba pang kandidata sa iba't ibang bahagi ng Amerika.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang model at fashion designer na si Gabriel ay wagi rin sa State Costume category ng kompetisyon tampok ang Texan “bluebonnet flower-inspired ensemble,” ayon sa ulat ng pageant page na Missosology.

Sa isang panayam noong Setyembre, 19-anyos lang ng sumalta sa Amerika ang kaniyang amang Pinoy sa pamamagitan ng isang college scholarship, ayon sa beauty queen.

Nagpapasalamat naman si Gabriel sa ilang Pinoy fans sa patuloy na suportang natatanggap.

Si Gabriel ay isa lang sa tatlong Fil-Am beauties na sumali sa Miss USA 2022.

Nasa parehong kompetiston din ang dugong Pinay na sina Miss Hawaii Kiana Yamat at Miss New Mexico Susanne Perez.

Si Gabrel ay makakatapat ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa prestihuyong Miss Universe pageant sa New Orleans, Louisiana sa Enero 14, 2023.