Matapos ang pinag-usapang pagtaboy umano ng isang luxury brand kay Megastar Sharon Cuneta sa isang mall sa Seoul, South Korea, muli namang naungkat ng netizens ang parehong “diskriminasyon” na naranasan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa New York City.

Ito ang  viral na usap-usapan sa isang online community habang muling binalikan ng netizens ang 2019 YouTube vlog ni Songbird.

Basahin: Megastar, itinaboy sa isang Hermès store sa Seoul; aktres, bumalik bitbit ang 6 bag ng Louis Vuitton – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dito, ikinuwento noon ng singer ang naranasang “diskriminasyon” matapos hindi siya papasukin ng isang attendant sa pinakamalaking Louis Vuitoon store sa New York.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Pagbabahagi pa ni Songbird, nasa US tour siya noon, at excited pa na mabili ang sapatos na kabilang sa “runway collection,” ekslusibo, at limitado lang sa naturang tindahan.

“When I got there, nakita ko na nandoon sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa’kin wala akong size. ‘Di ako binilhan,” ani Regine na pinakiusapan pa niya ang store attendant na isukat man lang ang sapatos.

Noon pa man, kilala si Regine sa kaniyang magarbong koleksyon ng designer shoes. Kaya nang naramdaman ang diskriminasyon, lumipat na lang ang singer sa kabilang Neiman Marcus at dito aniya siya nagwala.

Basahin: Songbird, nagbigay ng luxury ‘Cinderella heels’ kay Jolina; presyo nito, nakakalula! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I went to Neiman Marcus. Katapat niya lang. Si Nieman Marcus maraming branded shoes. Nagwala ako doon, ang ending ko, nag-uwi ako ng 20 pairs of shoes,” ani Regine.

Dito ikinuwento ng icon na isang mabait na Black salesman na nag-asikaso sa kaniya matapos din muling isnabin ng ilang tauhan ng nilipatang tindahan.

“So lahat ng tinuro ko, binili ko talaga. So ang happy niya,” anang singer sa naging paandar.

Dahil sa pamamakyaw ni Songbird sa nasabing store, rumesbak siyang muli sa Louis Vuitton at dito sa wakas ay pinapasok siya at nabili ang inaasam na sapatos.

"Sa akin, okay, if you don't want to entertain me, I'll find somebody else [to accommodate me], at papakita ko talaga sa kanya, bibilhan ko yung tao na 'yon. Iyon na lang ang comeback ko!" sabi noon ng singer sa isang panayam noong 2019.

Umabot sa mahigit 13,000 reactions ang Facebook post na ikinaaliw ng maraming netizens.

Basahin: Megastar Sharon Cuneta, abot-abot ang pasasalamat sa pagkakaibigan nila ni Songbird – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Regine ay kilalang matalik na kaibigan ni Sharon at isa sa mga bestselling Asian at OPM artist sa kasaysayan.

&t=1274s