Naantig ang damdamin ng mga netizen sa viral tweet ng isang nagngangalang "Nicole", matapos niyang ibahagi ang litrato ng isang pet dog na umano'y inabandona ng kaniyang young dog owner, upang ipaampon sa iba.

"Hello! I found an abandoned dog near Mandaluyong City Hall. Here are some of her photos, along with the note attached to her leash. If you'd like to adopt her, I brought her to (the) Philippine Pet Birth Control Center Foundation in Boni Ave," aniya.

Mas nakasasaling ng damdamin ang iniwang sulat ng kaniyang young dog owner, na may habilin sa sinumang makakapulot at mag-aampon kay "Panda".

"Kuya/Ate, kung sino po ang makabasa nito, sana po alagaan ninyo nang maayos ang aso ko, kaya ko po ginawa ito dahil lagi nagagalit si Mama sa kaniya, hindi ko man kagustuhan. Sorry PANDA. Panda po name niya," saad sa sulat-kamay na mensahe ng nag-iwan sa aso.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/liham-ng-dog-owner-para-sa-bagong-mag-aalaga-sa-inabandonang-pet-dumurog-sa-puso-ng-netizens/">https://balita.net.ph/2022/10/04/liham-ng-dog-owner-para-sa-bagong-mag-aalaga-sa-inabandonang-pet-dumurog-sa-puso-ng-netizens/

Batay sa latest update sa aso, nasa pangangalaga na ito ng isang beterinaryo. Nabanggit ni "Nicole" sa isa pa niyang tweet na dinala niya si Panda sa pangangalaga ng Philippine Pet Birth Control Center Foundation sa Boni Ave, Mandaluyong City.

Nagsagawa naman ng Facebook Live ang beterinaryong nag-aalaga kay Panda nitong Oktubre 3 upang ipakitang nasa maayos na kalagayan ang pet dog, subalit bakas sa mga mata nito ang lungkot dahil sa pag-iwan sa kaniya ng orihinal na fur parent.

Malapit na umano itong ipaampon kay "Melanie Ram" ng Strays Worth Saving Foundation.

Hangad ng mga netizen na sana raw ay malaman ng dating fur parent ni Panda na nasa maayos na lagay ang kaniyang alaga at malayo na sa panganib. Sana rin daw ay muli silang magkita bago ito mapunta sa pag-aaruga ng iba.

Tamang-tama dahil ngayong Oktubre 4 ay ginugunita ang "World Animal Day" kaya naman may libreng anti-rabbies vaccines ang Philippine Pet Birth Control Center Foundation para sa 500 aso o pusa.