Tahasang kinokondena ni Senador Risa Hontiveros ang pagpatay umano sa broadcaster-komentaristang si Percy Lapid.

"This is a brazen attack on press freedom. But this also demonstrates the inherent power of speech and truth-telling," ani Hontiveros nitong Martes, Oktubre 4.

Binigyang-diin pa ng senadora na ang pagpatay kay Lapid ay nagpapahiwatig umano na patatahimikin kung sino raw kumokontra sa gobyerno.

"Sir Percy was a strong dissenting voice that made sure government officials did not become too comfortable with power. Ang pagpatay tulad ng kay Percy ay tila may pagpapahiwatig na kung kontra ka, kung kritikal ka, patatahimikin ka," saad nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang kilala si Lapid bilang isa sa mga kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Pagpapatuloy ni Hontiveros, aniya, patuloy raw nilang ipaglalaban ang katarungan at katotohanan.

"Percy's death, and all the deaths of all other journalists before him, will never silence us. We will never tolerate a society that is afraid of the truth. Patuloy nating ipaglalaban ang katarungan at katotohanan, para na rin sa ating mga anak," anang senadora.

"I join Percy’s family and friends in their grief and call for justice. I call on authorities to conduct an impartial investigation and speedily get to the bottom of this murder."

"To our friends in the media, I am with you. We will continue to hold the line with you."

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/10/04/justiceforpercylapid-trending-sa-twitter/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/04/justiceforpercylapid-trending-sa-twitter/