Inamin ng isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na hindi nila matunton ang mahigit sa 40,000 Chinese workers ng mga kumpanyang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nakatakda na sanang ipa-deport.

Sa pagdinig ng Senado sa usapin, hindi na nakalusot si BI-Intelligence Division chief, Deputy Commissioner Fortunato Manahan, Jr., sa pagtatanong ni Senator Grace Poe kaugnay sa kinaroroonan ng mga Chinese na ipatatapon sa China.

Aminado rin si Manahan na ang nabanggit na bilang ng mga dayuhan ay batay lamang sa kanilang pagtaya.

"So that totals to 40,000. And recently, based do'n sa cancelled license ng PAGCOR, posted sa website ng PAGCOR, a total of 214 companies. We were able to list 48,762," sabi ni Manahan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kaagad namang pinutol ni Poe ang paglalahad ni Manahan. "I just want to make sure that I have this right. You’re just making a calculation but you don’t actually know where those individuals are at this point?" pagtatanong ng senador.

"Ah, yes," paniniyak ni Manahan.

"So, maganda lang 'yung statement na magde-deport tayo ng ganito karaming individuals, but actually, hindi natin alam kung nasaansila at masasabi ko rin na marami sa kanila ay magtatago na," paliwanag ni Poe.

Kamakailan, isinapubliko ng BI na kakanselahin na nila ang visa ng 48,782 na Chinese na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng POGOdahil sa iligal na pananatili ng mga ito sa bansa.