Tinuligsa ng Commission on Human Rights (CHR) ang “walang-habas na pagpatay” sa 38-anyos na si Rudy Steward Dugmam Sayen, kilala rin bilang “Estee Saway,” isang transgender na guro mula sa Bangued, Abra.
Sinabi nito na iniulat ng pulisya na minamaneho ni Sayen ang kanyang motorsiklo papunta sa trabaho sa Suyo National High School noong Setyembre 28 nang sundan siya ng riding-in-tandem na mga lalaki. Ilang beses siyang pinagbabaril ng mga suspek sa harap ng isang carwash sa kahabaan ng Abra-Ilocos Sur Road sa Barangay Lipca.
Kinillaa naman ng CHR ang mabilis na pagkilos ng Abra police, na nagresulta sa agarang pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa limang suspek.
Sinabi nito na may teyorya ang pulisya na ang motibo ng krimen ay dahil umano sa alitan sa lupa at personal grudges.
Iniimbestigahan na ngayon ng CHR sa Cordillera Autonomous Region (CAR) ang pagpatay kay Sayen, at tinuligsa nito ang insidente na “niyurakan ang karapatan sa buhay,” sabi ng CHR sa pahayag nitong inilabas noong Martes, Okt. 4.
“As the country’s Gender Ombud, we equally draw attention to this crime being committed against a member of the lesbian, gay, transgender, queer, and intersex (LGBTQI) community, which similarly demonstrates this sector’s vulnerability to persistent hate and prevalent violence,” anang CHR.
“In line with the State duty to protect the right to life, we expect truth and swift justice on this case and all similar cases of killings, especially those directed against vulnerable sectors.
“It is crucial that we consistently demonstrate that we are a nation of laws with high regard for human life by ensuring accountability on all cases to deter further violence and curb impunity.”
Czarina Nicole Ong Ki