Dismayado at galit si dating senatorial candidate Atty. Luke Espiritu sa pagpaslang kay radio commentator at broadcaster Percy Lapid, na naganap sa isang village sa Las Piñas City nitong Oktubre 3, 8:30 ng gabi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/broadcaster-na-si-percy-lapid-patay-matapos-pagbabarilin-sa-las-pinas-city/">https://balita.net.ph/2022/10/04/broadcaster-na-si-percy-lapid-patay-matapos-pagbabarilin-sa-las-pinas-city/

Tinambangan ng dalawang di pa nakikilalang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang host ng "Lapid Fire", na matapang sa kaniyang pagbibigay-komentaryo sa dati at kasalukuyang administrasyon at sa kanilang mga kaalyado.

Ani Espiritu, ang pagpaslang kay Lapid ay tila "paglala" ng "kademonyohang" nangyayari sa bansa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Lumalala na ang kademonyohan. Ang pagpaslang kay Ka Percy Lapid, radio broadcaster na tanyag sa palayaw na Lapid Fire, ay patunay na mas pipiliin ng mga nasa kapangyarihan ang pumatay ng mga bumabatikos sa kanila upang manatili sa puwesto at magpakasasa sa yaman."

Sa isa pang thread, "Ang pagpatay kay Ka Percy ay atake sa midya at sa ating demokrasya."

"Itigil ang karahasan sa mga mamamahayag, mga kritiko, at mga aktibista!"

"Wakasan ang impunidad at ang kriminal at berdugong paghahari!"

"Hustisya para kay Percy Lapid!"

https://twitter.com/LukeEspirituPH/status/1576990568046919680

Sa kasalukuyan ay trending ang "Percy Lapid" at "#JusticeForPercyLapid".

Ayon sa ulat ng pulisya, wala pang malinaw na motibo sa pagpaslang sa naturang mamamahayag. Sa kabilang banda, naniniwala umano ang kaniyang pamilya na may kinalaman sa kaniyang trabaho ang dahilan nito.