Nasa 106,000 na mga nars ang kailangan sa bansa, ayon mismo kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na aniya’y resulta umano ng “migration” ng Pinoy healthcare workers.

Inalmahan kamakailan ng maraming Pinoy nars sa isang online community ang pahayag ng DOH kaugnay ng pangangailangan ng dagdag na tauhan sa mga pasilidad sa sariling bansa.

“We have a shortage or a gap of around 106,000para mapunuan natin ‘yung mga facilities natinall over the country, both public and private,” ani Vergeire sa kamakailang pahayag sa isang press briefing.

Dito sunod na nanawagan din ang opisyal sa mga manggagawang medikal na mag-apply ng kaugnay na mga trabaho at sinigurong “meron tayong vacant na plantilla positions” para sa mga midwife, dentista, at iba pang healthcare professionals.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Para naman sa tumatayong hepe ng DOH, ang “migration” o ang pag-iibang-bayan ng mga Pinoy healthcare professionals ang dahilan ng kakulangan ng mga pupunuing manggagawa sa mga pasilidad sa sariling bansa.

Hindi naman nagustuhan ng maraming healthcare workers ang naging dahilan na ito ni Vergeire.

Sa isang Facebook community na “Nurses Inspire Nurses Worldwide,” inilabas ng mga manggagawang medikal ang ilang hinaing kabilang ang kawalan anila ng oportunidad sa Pilipinas, dahilan para sa “massive shortage of nurses.”

Daan-daang healthcare professionals ang naglabas ng saloobin ukol sa usapin.

“You already know the problem of the nurses in the Philippines but the government seems ignoring our needs. And as you can see there were a lot of opportunities abroad and Im thankful for having that opportunity. Hope the government will think about it,” anang isang OFW healthcare professional.

“Patawa, ‘di nga maka increase ng sahod ang mga nurses at contractual ‘di makapag-regular kesyo walang budget ang government. Saan ang hustisya sa mga nurses? ‘Di nga maibigay ang hazard pay [tapos] ngayon reklamo kulang ang mga nurses?” litany ng isa pa.

“Solusyonan ang dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga pinoy nurses. Hindi na nga nirerespeto sa Pilipinas kakarampot pa ang binibigay na benepisyo.”

“Philippines is the most supplier of nurses internationally, But Philippines itself lacks of nurses so sad. The government should really address this situation.”

“The only solution to this is to give the nurses and all frontlines a decent salary and dignify their lives. This way we will be able to keep the nurses we require back home.”

“It's only during the pandemic they realize the importance of nurses. Now other country offer our nurse good compensation. Don't wait that one day. No nurses will be found in the Philippines.”

“It is the lack of Security of Tenure that force the Filipino Nurses to leave their country despite their burning passion & sincerity to serve their countrymen; not to mention the low wages that doesn’t reciprocate their gargantuan responsibilities as anurse.”

“Dami namin nurses ma'am pero dahil mababa sahod, nagsipunta na sa abroad at yung mas marami pang andito sa pinas e nasa call center or nagnegosyo or namasukan na sa ibang company. Try niyo gawing 40K and up ang sweldo, maglalabasan lahat.”

“Doctors are nothing without nurses… it should be a collaborative work of every healthcare professionals. Only in the Philippines, wherein doctors feels like superior than everyone else.”

“There is no such thing as shortage of nurses because we are still here alive and kicking. What we don't have is the security of tenure with regards to our job because almost all of us are still contractual workers who are underpaid but overworked mostespecially to those nurses working in the hospital.”

Umabot sa mahigit 5,000 reactions at nasa halos 4,000 shares ang naturang Facebook post sa pag-uulat.

Mahigit 1,000 komento rin na kalakhang saloobin para sa kalagayan ng mga nurses sa bansa ang mababasa rito.

Panawagan nila, bigyan ng makatarungang pasahod at karapat-dapat na benepisyo ang mga nars at mula rito ay mabibigyang solusyon ang suliranin ng kakulangan sa sariling bayan.