Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang balitang hindi pinayagang pumasok sa loob ng isang Hermès store sa Seoul, South Korea, si Megastar Sharon Cuneta at kaniyang mga kasama, kaya nagtungo na lamang sa katabing Louis Vuitton store at doon namakyaw ng items, bilang resbak sa store na umisnab sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/01/megastar-itinaboy-sa-isang-hermes-store-sa-seoul-aktres-bumalik-bitbit-ang-6-bag-ng-louis-vuitton/">https://balita.net.ph/2022/10/01/megastar-itinaboy-sa-isang-hermes-store-sa-seoul-aktres-bumalik-bitbit-ang-6-bag-ng-louis-vuitton/

Ayon sa vlog ni Shawie, bibili lang sana siya ng sinturon sa Hermès subalit sa entrance pa lamang ay hinarang na siya ng doorman.

Mapapansing dismayado, lumipat na lang ng Louis Vuitton store si Mega kung saan maayos naman siyang inestima ng salesmen. Sa katunayan, binigyan pa siya ng mga bulaklak at champagne dahil sa kaniyang pagbili.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Maya-maya pa’y makikita na ang anim na bag ng luxury brand na naglalaman ng mga pinakyaw ni Mega nang wala sa oras.

Habang kinakausap ang mga nag-asikasong salesmen ng LV, sunod na ibinahagi ng aktres ang kaniyang ilan taon nang showbiz career

Maayos ding nagpaalam ang lahat ng sales attendant nang mamaalam ang grupo ni Mega sa tindahan.

Maya-maya pa, muling dinaanan ng grupo ni Shawie ang nagtaboy na tindahan at sa harap mismo ng doorman na hindi nagpapasok sa kanila, ang saad lang ng icon, “Look? I bought everything.”

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Hindi lang siguro naintindihan ang sinabi ng Koreano sa kaniya… dito kasi sa Korea sa mga ganiyang mamahaling store, hindi ka talaga papapasukin kung wala kang reservation… you need to book first kasi 'yon ang policy nila…"

"Kakatawa tapos sasabihin mataas ang presyo ng bilihin. Pero may pambili ng mga Hermès at LV. Oo may pera ka, pero mas nagrereklamo pa sila, kaysa sa mga karaniwang tao."

"Discriminated agad si Sharon just because she chose to dress simply, not knowing how she can afford not just one Hermès item. Partida Sharon Cuneta na 'yan."

"Pag Sharon Cuneta hindi puwedeng palayasin sa Hermès store? In all fairness sa mga Korean, wag siyang mag-expect at hindi siya well known doon."

"What's wrong with Sharon buying items from a designer brand and posting about it? It was her hard-earned money anyway. Di naman galing sa nakaw yun. Besides, did you know the backstory of that? Gosh, did you forget how you maligned minimum-wage earners?"

"Sa SK kasi bihira ang nakakaintindi and nakakapagsalita ng English. Kaya may mga stores na pag foreigner ang bibili pinapaalis kasi nga di sila marunong mag-English. Baka ganiyan ang nangyari?"

"At the end of the day, LV pa din ang kumita."

"Sabi nga ni Sharon 'I have been a billionaire since before I married Kiko'… she's always been a hard-working actress since the 80s up to now. She made her name her own and got richer because she worked real hard. She deserves it."

Naikumpara pa ng mga netizen ang nangyari sa kaniya sa pelikulang "Pretty Woman" ni Julia Roberts.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/mga-netizen-kumuda-sa-pamamakyaw-ni-sharon-ng-lv-nang-isnabin-sa-hermes-store-sa-sokor/">https://balita.net.ph/2022/10/02/mga-netizen-kumuda-sa-pamamakyaw-ni-sharon-ng-lv-nang-isnabin-sa-hermes-store-sa-sokor/

Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng "diskriminasyon" si Sharon sa isang designer brand store.

Sa kabilang banda, sa kaniyang Instagram post ay nilinaw naman ni Mega na oks lang siya at walang dapat ipag-alala ang mga tao para sa kaniya. Enjoy na enjoy siya sa South Korea.

"Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time - sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang."

"Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!," ani Mega.