Hinihintay pa rin ng Department of Health (DOH) ang pondong manggagaling sa Department of Budget and Management (DBM) para sa mga healthcare worker na hindi pa nakatatanggap ng benepisyo simula Hulyo 2021.

"We have arrears to our healthcare workers which stands from July 2021. Until this time, meron po kaming utang na₱64 billion sa kanila, dahil may retroactive provisions po yung ating RA (Republic Act) for health emergency allowance," bungad niDOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nang dumalo sa pagdinig o paghimay ng Senate finance committee sa mungkahing 2023 budget ng kanyang ahensya.

Paglalahad ni Vergeire, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan nila sa DBM upang maipalabas na ang matagal nang hinihintay pondo.

Paglilinaw nito, nagpadala sila ng liham sa DBM nitong Setyembre 6 at 9 upang maibigay na sa kanila ang₱12 bilyong para sa allowance ng mga health worker.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"We had been communicating to the DBM for the release of additional funds for our healthcare workers... Hopefully, the DBM, as mentioned to us, they might release funds today so we might be able to pay 'yung healthcare workers, 'yung kanilang allowance," ani Vergeire sa mga miyembro ng komite.