May reaksyon si dating Senador Ping Lacson kaugnay sa pagkapanalo ng 433 bettors sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Sabado, Oktubre 1.

Sa isang tweet nitong Linggo, Oktubre 2, sinabi ni Lacson na "highly improbable" raw ang pagkapanalo ng 433 bettors. Dagdag pa niya, kung siya raw ang mag-iimbestiga sa anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), uumpisahan daw niyang tingnan ang "common denominator" ng mga ito.

"433 winners in one 6/55 lotto draw is highly improbable, if not impossible. If I were to investigate this apparent PCSO anomaly, I’d start by looking for a common denominator of these “lucky ones.""

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

https://twitter.com/iampinglacson/status/1576574087111258113

Matatandaang kaagad ding nagpaliwanag ang pamunuan ng PCSO kaugnay sa isyu.

Sa isang pulong balitaan nitong Linggo ng hapon, tiniyak ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na normal lamang at walang iregularidad na naganap sa ginawa nilang pagbola sa lotto nitong Sabado.

Aminado si Robles na ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo, na umabot sa 433 ang nanalo ng jackpot prize sa lotto.

Gayunman, tiniyak niya na maaari talagang mangyari na maraming manalo sa lotto games.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/pcso-nagpaliwanag-sa-kontrobersiyal-na-pagtama-ng-433-bettors-sa-p236-m-grandlotto-6-55-jackpot/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/02/pcso-nagpaliwanag-sa-kontrobersiyal-na-pagtama-ng-433-bettors-sa-p236-m-grandlotto-6-55-jackpot/

Kaugnay nito, nangako si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo na iimbestigahan nila sa Senado ang hindi pangkaraniwang resulta ng 6/55 Grand Lotto draw kung saan 433 umanong mananaya ang nanalo ng mahigit sa 236 milyong jackpot.

Aniya, maghahain siya ng resolusyon upang masilip ang usapin sa gitna ng pagdududa ng publiko.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/kaduda-duda-pagkapanalo-ng-433-bettors-sa-lotto-jackpot-iimbestigahan-ng-senado/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/02/kaduda-duda-pagkapanalo-ng-433-bettors-sa-lotto-jackpot-iimbestigahan-ng-senado/