Sinusubaybayan pa rin ng mga awtoridad ang galaw ng mga pinaghihinalaang miyembro ngCommunist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kabila ng naging kautusan ng korte kamakailan na nagbabasura sa petisyon ng gobyerno na ituring na terorista ang grupo, ayon sa Philippine National Police (PNP).

“We will abide by the decision of the court initially, but this will not mean ire-relax na namin 'yung pagbabantay sa mga activities ng mga suspected na mga CPP-NPA,” sabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Crame nitong Lunes.

"So if they commit a crime, whether they are being alleged as CPP-NPA or not, any crime that they commit, the PNP is ready to arrest and file charges against them,” pagdidiin ni Azurin.

Matatandaangibinasura ng korte ang petisyon ng gobyerno na ideklara ang CPP-NPA bilang grupo ng mga terorista kaya niliwanag na ang paghihimagsik ay hindi matuturing na terorismo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3