Inaasahang tataas pa at aabot na sa mahigit₱120 milyon ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 habangpapalonaman sa mahigit₱106 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa susunod na lotto draw nito ngayong Martes, Oktubre 4.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, walang nagwagi sa Sunday draw ng SuperLotto 6/49 na may six-digit winning combination na 15-19-02-33-47-08 kaya’t hindi naiuwi ang katumbas nitong premyo na₱116,954,271.60.

Mayroon naman aniyang 17 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱50,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Ani Robles, wala ring nakapag-uwi ng₱102,294,180 na jackpot prize ng Ultralotto 6/58 dahil walang nakahula sa six-digit winning combination nito na 40-14-56-39-44-24 na binola nitong Linggo ng gabi.

National

PBBM nagbabala kontra POGO, IGL: ‘Di na kailanman papayagang manalasa ang mga ito!’

Mayroon naman aniyang apat na katao na nagwagi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Samantala, ang jackpot prize naman ng Regular Lotto 6/42 na bobolahin rin ngayong Martes ng gabi ay inaasahang magkakaroon na ng jackpot prize na₱30 milyon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Robles ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar at tumaya sa kanilang lotto games upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo.

Una nang sinabi ni Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto dahil hindi man maging instant milyonaryo ay tiyak namang makakatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Ang lotto draw naman ng Lotto 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.