Nagkakahawaan na umano ng sexually transmitted diseases (STDs) ang mga Chinese na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes.

“It’s really quite sad to say that ang DOJ nakakuha ng iba't ibang reports tungkol dito sa pag-spread ng STDs. And per our reports, we don’t know the full extent of it yet. But in several reports may mga cases na 15 to 20 sa isang POGO company,” sabi ni DOJ Spokesman Mico Clavano sa isinagawang press conference nitong Lunes.

Aniya, nakipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng pagsisiyasat sa usapin.

“This is really part of the report that we’re asking from the NBI to determine the full extent of this. Hindi natin aantayin na umabot pa ito sa ating mga kababayang Pilipino. We hope all the crimes and all the ill-effects nitong pag-stay ng mga Chinese ay matigil na dito sa ating operation,” anito.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Sa pahayag ng mga infectious disease expert, naihahawa ang STD sa pakikipagtalik sa mga taong mayroon nito.

Maaari din umanong maihawa ang STD sa pamamagitan ng vaginal, oral, o anal sex.

Nitong Linggo, inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na kakanselahin nila ang visa ng 48,782 na Chinese POGO workers sa bansa.

Ito ay bahagi ng naging pahayag ng gobyerno nitong nakaraang buwan na ipade-deport nila ang aabot sa 2,000 Chinese workers dahil sa illegal na pananatilli sa bansa.

Sa datos ng BI, mahigit sa 40,000 na POGO workers ang nasa bansa sa kabila ng pagpapawalang-saysay ng pamahalaan sa license to operate ng 175 kumpanya ng POGO.