Nag-react ang mga netizen sa Facebook post ng actor na si Paul Salas para sa kanyang nobya na si Mikee Quintos. 

"Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo," sey ni Paul sa kaniyang post noong Setyembre 29 nang prinomote niya ang kanilang bukingan vlog ni Mikee.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Matatandaang nagkaroon ng issue si Mikee tungkol sa paggawa ng thesis.

Noong nakaraang taon kasi nag-rant sa UST Freedom Wall sa Facebook ang isang estudyante na nagsasabing malas daw siya sa thesis partner niya na isang artista. Hindi man ito pinangalanan pero pinaniniwalaan ng ibang mga estudyante na si Mikee ito.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang post ni Paul dahil sa kanyang caption.

"Sigurado ka bang priority ka niya? Thesis niya nga hindi ginawang priority, ikaw pa kaya?"

"BUTI NAMAN PARA WALA NA KAMING MABABASANG POST DITO SA EPBI"

"Sana noon palang ginawa mo na"

"Atleast hindi kagroup yung gagawa"

"tama yan para pag nag break kayo, pang sumbat mo yung ginawang thesis mo sakanya"

"sana noon palang nakilala ka na nya para hinde namroblema yung mga ka group"

"Tama 'yan paul para hindi na nagrarant classmate n'ya sa freedom wall"

"Never forget the Thesis"

"Saludo po ako sa mga katulad nyo, na kahit sobrang dami na ng problema sa mundo nakuha nyo pang dagdagan."

"kung pwede pala mag pagawa ng thesis sayo d na sana kami nalasing at napuyat hahaha"

"dinogshow yung sariling jowa "

"Buti naman para di naiistorbo ang pagpapasalon nya."

"good luck sa paggawa ng thesis ni mikee"

"buti naman beh para wala nang nagrarant sa freedom wall namen"

"Tapos post ni Mikee yung "Make me your Aphrodite" Hee-Hee"

"Sinundo pa yata galing sa Spa"

"yan teh may maiaambag ka na"

"Mikee payag ka non dinogshow ka ng jowa mo"

"Proud sa gf nyang pabigat sa acads HAHAHAAHAHAHAHAHA ew beh"