Sa kainitan ng isyu hinggil sa panawagang "boycott" ng ilang mga netizen sa isang online shopping app, dahil sa pagkuha kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano bilang bagong endorser, nagbiro ang kilalang abogadong si Atty. Gideon Peña patungkol sa sikat na "Salazar Sisters" ng hit movie na "Four Sisters and a Wedding".

Kahit noon pang 2013 ang naturang pelikula, patuloy pa rin itong nauungkat hanggang sa kasalukuyan at nagagawan ng memes, lalo na't kapag na-iinvolve ang mga artistang nagsiganap dito, sa isang isyu.

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

Ayon sa tweet ng abogado noong Setyembre 28, sana raw ay kunin na ng karibal na online shopping app ng ineendorso ni Toni sina Angel Locsin at Shaina Magdayao. Si Bea kasi ay endorser na nito.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

"Since Bea Alonzo is already an endorser, #LazadaPH should get Angel Locsin and Shaina Magdayao to complete the ‘Four Sisters’," aniya.

"Huwag nang hanapin si Teddie. Nasa Spain na siya."

https://twitter.com/attygideon/status/1575110461099737088

Si Teddie o Teodora Salazar ay ginampanan ni Toni. Siya ang panganay sa limang magkakapatid.

Si Atty. Gideon V. Peña ay kaibigan ni Queen of All Media Kris Aquino, na "kinakiligan" ng mga netizen at nag-hopiang bagay raw silang dalawa.