Niyanig ng 5.1-magnitude na lindol ang Surigao del Norte nitong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa abiso ng Phivolcs, dakong 4:07 ng hapon nang maitala ang pagyanig 29 kilometro sa hilagang silangan ng General Luna.

Binanggit ng ahensya na tectonic ang pinag-ugatan ng paglindol.

Nasa 15 kilometrong lalim din ang nilikha ng pagyanig.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Naramdaman din ang Intensity IV sa General Luna, Surigao Del Norte; at Intensity III sa Surigao City, Surigao Del Norte.

Bahagya ring naramdaman ang Intensity II sa Dapa, Surigao Del Norte; Hilongos at Baybay City, Leyte; at San Francisco, Southern Leyte.

Inabisuhan na rin ng Phivolcs ang mga residente na asahan ang ilang aftershocks ng pagyanig.