Nakatakdang kanselahin ng Bureau of Immigration (BI) ang visa ng 48,782 na Chinese na nagtatrabaho sa mga kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na bibigyan nila ng 59 na araw ang mga Chinese upang makalabas sa bansa pagkatapos makansela ng kanilang visa.

Layunin ng hakbang na maiwasang ma-deport ang mga manggagawang Chinese.

Ipinaliwanag ng BI na sakaling tumangging umalis ng bansa, mapipilitan ang BI na ipatapon ang mga ito sa kanilang bansa, sa tulong na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nitong nakaraang buwan, inanunsyo ng gobyerno na plano nilang i-deport ang aabot sa 2,000 manggagawang Chinese ngayong Oktubre bilang bahagi ng kampanya nito laban sa mga illegal foreign workers sa bansa.

Sa pagtaya ng DOJ, nasa 40,000 pa ang mga Chinese worker sa bansa sa kabila ng pagpapawalang-saysay ng pamahalaan sa license to operate ng 175 na kumpanya ng POGO.