Nakatikim na rin ng panalo ang Barangay Ginebra laban sa Meralco, 99-91, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Katulad ng inaasahan, pinamunuan pa rin ng resident import Justin Brownlee ang Gin Kings sa nalikom na 34 puntos.

Tumulong din kay Brownlee si Scottie Thompson sa naipong 15 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists habang si Stanley Pringle ay nag-ambag ng 16 puntos para sa Ginebra.

Nasa 1-1 na ang kartada ng Barangay Ginebra habang ang Meralco ay bumagsak sa 0-2.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Natalo ang Ginebra sa una nilang laban kontra Rain or Shine nitong Miyerkules.

Nagpakitang gilas naman ang si Meralco import Johnny O'bryant dahil sa isinalansan na 31 puntos at 16 rebounds. Gayunman, nabigo ang koponan nito na maiuwi ang panalo.