Muli na namang nag-trending sa Twitter ang "National ID" ngayong Linggo, Oktubre 2, dahil marami sa mga kumuha nito ang hindi pa rin ito natatanggap hanggang ngayon.

Screengrab mula sa Twitter

Ang National ID o may opisyal na pangalang "Philippine Identification System ID (PhilSys ID)," ay opisyal na national identity card ng bawat Pilipino sa buong mundo at mga dayuhang permanente nang naninirahan sa Pilipinas. Ito ay sa bisa ng Philippine Identification System Act (Republic Act No. 11055), na nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 6, 2018.

Batay sa tweets ng mga netizen, matagal na silang nakapagproseso noon subalit hanggang ngayon, hindi pa naipapa-deliver sa kanila ang ID. Oktubre na raw, subalit wala pa rin.

"It’s now October! I registered together with my son for the National ID in September of 2021. Until now, we heard nothing about it!!! Philippine government is bloody USELESS!!! Filipino Politicians are only good in CORRUPTION!!!"

"OCTOBER 2 - Happy 1st anniversary to my National ID that I still haven't received until now."

"National ID is trending again. It only reminds me that it’s been 1 year and 4 months since I’d registered, and I still haven’t received the ID yet."

"National ID trending for the nth time and for all the wrong reasons, as if it was an ex who still keeps on bugging you even after all the promises that were broken pffft."

"National ID is trending, hahahaha I'm not even expecting anything at this point. It's been more than a year since I registered, still no issuance??? Hahahaha kuha na lang kayong ibang valid ID mga mamsh.

Sa kabilang banda, may mga netizen namang nagsabi na nakuha na nila ang kanilang National ID.

"I received my NATIONAL ID after 3 months, I'm really lucky because I didn't wait for a long time unlike my relatives and friends because they have been waiting for it for several years."

"I received my national ID after 1 year and 3 months. tapos nalagay, date of issue Aug 1, 2022, I registered noon pang June 2021."

Maging si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ay natanggap na umano ang kaniyang National ID, makalipas ang halos dalawa at kalahating taon, ayon sa kaniyang tweet.

https://twitter.com/rex_gatchalian/status/1575752322000396288