Ibinahagi ng dating senador at kandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Atty. Kiko Pangilinan na kasabay ng pagdiriwang ng "World Food Day" ngayong Linggo, Oktubre 2, inilunsad ng kaniyang kampo ang "Hapag Bigay" at "Sagip Saka" para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda, na nagbibigay-pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ayon sa tweet ni Pangilinan kahapon, Oktubre 1, ang "Sagip Saka" ay isang social enterprise na layuning mangalap at lumikom ng pondo para sa farming and fishing communities sa buong bansa.

"On Sunday, October 16, as the whole world celebrates World Food Day, we launch a Sagip Saka social enterprise to raise funds for 16 farming and fishing communities all over the country," aniya.

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1576209079755714560

"We have created select merchandise for sale, art works will be up for auction, as well as items donated by supporters throughout the memorable national campaign early this year."

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1576209081852829698

"Together with this fundraising effort, volunteers in 50 communities nationwide will organize lugawans on October 16, purchasing rice and other farm produce from Filipino farmers and fisherfolk directly."

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1576209083593392128

"Without the hard work, resilience, and sacrifice of our farmers and fisherfolk, there would be no food on our own tables."

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1576209085229244418

Nanawagan ng tulong at suporta si Atty. Kiko para sa lahat.

"Pagtulungan natin ito. Sama-sama nating ipamahagi ang ating pasasalamat at pagpupugay sa ating mga magsasaka’t mangingisda. Bigyan natin ng halaga at kahulugan ang kanilang pagsusumikap."

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1576209094314119169

Isa sa mga naging plataporma ni Pangilinan noong kampanya ay patungkol sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.