Mismong si Kapuso actress Max Collins ang nagkumpirmang kasama siya sa cast ng 'Almost Paradise' season 2, na napapanood sa Kapamilya Network.

Ang "Almost Paradise" ay isang American-Filipino crime drama television series na co-production ng "Electric Entertainment", "CMB Films", at "ABS-CBN Entertainment". Ang unang season ay napanood noong Marso 21, 2021.

Ibinahagi ni Max ang litrato nila ng bida nitong si Christian Kane.

"Secret's out! I'm part of Almost Paradise season 2! Can't wait for you all to watch it," ani Max sa caption ng kaniyang IG post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"So lucky I get to work with this action star @christiankane1."

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga celebrity gaya nina Iza Calzado, Lovi Poe, Geneva Cruz, at maging ang mister na si Pancho Magno.

Nagbigay rin ng mensahe ang action star na si Christian Kane.

"We are all happy to have you. You Rocked it!! More to come!"

"Thank you!" tugon naman ni Max.

Makikita rin ang pag-welcome ni Christian kay Max sa kaniyang Instagram account, gayundin sa Facebook account ng Almost Paradise.

"Beauty and the beast! Welcoming the talented @maxcollinsofficial to #almostparadise So much fun for us to work with her. And… I know I look sweaty and disheveled, (beast) but in my defense, right before the picture was taken I did spend over an hour fighting two guys in 114 degree heat. She’ll back me up on this. Welcome Max.”

Ang lokasyon ng serye ay sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.