Marami ang nagulat sa paglabas ng balitang 433 lucky bettors ang nakasungkit sa winning combination na 9, 45, 36, 27, 18, at 54, para sa 6/55 Grand Lotto na may jackpot prize na ₱236,091,188.40 nitong Sabado ng gabi, Oktubre 1, 2022.

Ito ay unang beses umano sa kasaysayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na paghahatian ng 433 na nanalo ang nasabing premyo at nangangahulugang makatatanggap sila ng ₱545,245.24 bawat isa.

Ang nasabing draw ay isinapubliko ng government-owned na People’s Television Network (PTV-4).

Kaugnay nito, pinayuhan ng PCSO ang mga nanalo na magtungo na lamang sa kanilang main office sa Mandaluyong City at magdala ng tig-dalawang valid ID, kalakip ang winning tickets, upang i-claim ang premyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/02/halos-%e2%82%b1240m-jackpot-sa-lotto-tinamaan-ng-433-mananaya-pcso/">https://balita.net.ph/2022/10/02/halos-₱240m-jackpot-sa-lotto-tinamaan-ng-433-mananaya-pcso/

Samantala, umani naman ng samu't saring reaksiyon ang naturang balita; sa katunayan, trending sa Twitter ang PCSO.

"433 winners, 433 tickets getting that 1/28 million chance. Not to mention all lucky numbers being multiples of Nine (9, 18, 27, 36, 45, 54) that form a diagonal line on the ticket card. Hard to believe, PCSO, unless trilyong-trilyong ticket ang binili. Unless divine sign pala 'to."

"Saw the winning combination sa PCSO Lotto kanina sa news. The winning combination is 09-45-36-27-18-54. Now I am having doubts if wala nga talagang dayaan sa ganyan… I personally think it is highly impossible to get that combination, randomly."

"That’s not possible. It’s already hard for 5 people to win an exact combination of 6 numbers, how much more 433? Either due to a system glitch or something amiss happens."

"DAPAT MAGPA-PRESSCON YUNG PCSO PARA MASAGOT NILA KUNG BAKIT NAGKA GANYAN YUNG RESULTA."

"That was good, not just 1 person on the list to many… but is it really 433 people?"

"Parang ghost winners yung mga nanalo sa lotto. Like girl, seryoso ba? Haaaay. PCSO things."

"Can you imagine for the first time 433 ang tao na nanalo hehehe."

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang PCSO tungkol dito.