Nakagawa ng kasaysayan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang mapanalunan umano ng 433 na mananaya ang jackpot na halos₱240 milyon sa isinagawang bola ng 6/55 Grand Lotto nitong Sabado ng gabi.

Sa pahayag ng PCSO, paghahatian ng 433 nanalo ang kabuuang premyong aabot sa₱236,091,188.40 nang mahulaan umano mga ito ang winning combination na9, 45, 36, 27, 18, at 54.

Ang nasabing draw ay isinapubliko ng government-owned naPeople's Television Network (PTV-4).

"For tonight's Grand Lotto 6/55 draw, we have 433 winners," pagdidiin ng host na si Queenie Balita-Aranas.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Ayon sa PCSO, paghahatian ng 433 na nanalo ang nasabing premyo at nangangahulugang makatatanggap ng₱545,245.24 ang bawat isa sa mga ito.

Kaugnay nito, pinayuhan ng PCSO ang mga mananalo na magtungo na lamang sa kanilang main office sa Mandaluyong City at magdala ng tig-dalawang valid ID, kalakip ang winning tickets, upang tanggapin ang premyo.