Inaresto ng mga pulis sa paliparan ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos itong akusahan ng pagnanakaw ng mga bag sa loob ng isang tindahan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Linggo, Oktubre 2.

Siya ay kinilalang si Agustin Diva, ng Pasay City.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Sinabi ni Airport Police Intelligence and Investigation Division (PID) Officer Jhesus Ducusin na naaresto ang suspek sa isang fastfood sa loob ng NAIA matapos makatanggap ng impormasyon na nagnakaw ito ng sari-saring bag.

Sinubukan ni Diva na tumakas ngunit nakorner ito pagkatapos ng maikling habulan.

Narekober sa kanya ang apat na backpack.