Hindi umano tinitingnan ng GMA Headwriter na si Suzette Doctolero kung sino-sino ba ang endorsers ng dalawa sa mga sikat na online shopping apps sa bansa, dahil ang mahalaga sa kaniya, kung saan siya makakamura pero kalidad naman ang mga produktong mabibili rito.

Ito ay sa kasagsagan ng pagpapa-boycott at pag-cancel sa online shopping app na "Shopee" dahil sa pagkuha kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga bilang bagong endorser/ambassador.

"Mag-isip muna bago mag-unsubscribe sa Shopee ha? Alalahanin, marami ring Kakampink na sellers, suppliers and buyers doon. Sila rin ang kawawa. Ako naman eh walang pake maski anong kulay ang pulitika ng seller, hindi ako bigot," ayon sa Facebook post ni Doctolero noong Setyembre 29.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Basta kung saan may mura at quality ang product ay doon ako buy hahaha," aniya pa.

"Yung Ligo lang ang alam kong na-cancel na may epekto so far… so let’s see if masaktan ang Shopee. Sana lang they’ll take this time na ayusin rin ang services at ilang pagkakamali," aniya pa sa isang Facebook post.

Samantala, nag-react naman ang headwriter sa naging pahayag ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas, na nag-uninstall na raw niya ang kaniyang Shopee app, na matagal na niyang gustong gawin dahil napapagastos siya. Ngayon daw, may mas malalim nang dahilan upang isakatuparan ito.

"Grabe naman yung vlog na napanood ko. 😞 Wala akong issue kay Tito Jaime, lalong wala kaming salpukan. Kaloka naman oy."

"Ilang beses ko siyang nakatrabaho at siya ay napaka-gentle, mahusay na aktor, magalang at napakabait na tao."

"Hindi dapat maging issue at gawing issue ang differences ng mga stand sa buhay ha? (Eh ang stand ko lang naman, doon ako sa kung saan me mura at promo, ke Shopee 'yan o Lazada. Oo ganun ako ka practical pagdating sa retail addiction ko haha)."

"Naiintindihan ko na maraming kumikita sa mga vlogs ngayon pero huwag naman ganito, please? Salamat!"