Hindi na sasailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang mga turistang nais bumisita sa South Korea kasunod ng mas pinaluwag na travel restrictions ng tinaguriang “Land of the Morning Calm.”

Ito ang anunsyo sa pamamagitan ng Korea Tourism Organization – VisitKorea Facebook page. Dito, ipinabatid ang bagong protocol na nagkabisa nitong Oktubre 1, 2022.

“The NEWS you’ve all been waiting for, starting today, you don’t need to test for COVID-19 after arrival!” mababasa sa abiso.

Bago nito, nauna nang inalis ng South Korea ang pre-entry RT-PCR test requirement nito para sa mga entrante noong Setyembre 3, 2022.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“All inbound travelers to Korea are free from any PCR test requirement effective October 1," mababasa sa isang post mula sa website ng Visit Korea.

Ipinagpatuloy ng Embahada ng Republika ng Korea sa Maynila ang aplikasyon at pag-isyu ng visa noong Hunyo 1, 2022.

Ang mga hindi na-expire na multiple-entry visa na inisyu bago ang Abril 5, 2020, ay maaari ding gamitin nang walang muling pag-apply.

Idinagdag nito na hindi na kakailanganin ang pagsusumite ng Consent for Isolation.

Sa isang pahayag, ang Embahada ay nagpahayag ng pag-asa na ang pagpapatuloy ng visa issuance at application ay magpapalakas ng turismo sa pagitan ng dalawang bansa sa Asya.

“More and more Koreans have been visiting the Philippines since the Philippine government lifted its ban on tourism. Soon more and more Filipinos will visit Korea,” anito.

“We hope that this resumption will boost people-to-people exchanges between Korea and the Philippines via tourism.”

Argyll Cyrus Geducos