Mapapanood na ang kauna-unahang show ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa kaniyang bagong home network na "ALLTV" na pinamagatang "Toni".

Ito ay hango sa kaniyang award-winning at matagumpay na "Toni Talks" sa YouTube Channel, na talaga namang pinag-usapan, lalo na ang panayam niya kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong kandidato pa lamang ito. Ito ang nagmitsa sa pagkaka-cancel ni Toni sa social media, na nagtuloy-tuloy na nang ipakita niya ang hayagang pagsuporta rito noong halalan.

Ipinasilip ni Toni ang teaser ng kaniyang self-titled talk show na mapapanood na ngayong Oktubre 3, Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Screengrab mula sa IG/Toni Gonzaga

"Masayang gabi, Pilipinas!" bungad ni Toni.

Tila inangkasan naman ng show ang tumatak at nag-trend na "Sabay-Sabay!" na isinigaw noon ng TV host-actress sa panahon ng pangangampanya.

"Sabay-sabay tayong tumawa, umiyak, matuto, at makinig!," ayon sa teaser.

Batay sa teaser ay marami na siyang nai-tape na episode, at ang mga unang sasalang sa kaniyang panayam ay sina Bayani Agbayani, kapatid na si Alex Gonzaga, kaibigang si Mariel Rodriguez, Dra. Vicki Belo, Anthony Taberna, at iba pa.

Ibinahagi rin ito ng kaniyang inang si Mommy Pinty Gonzaga na proud na proud sa kaniyang bagong achievement.

"So proud of you ate! We are excited to watch you again on tv sa @alltvph! This has been your dream and we are so happy to see it finally come true! What a way to celebrate your 20th year in showbiz."

"May you continue to uplift, encourage and empower your audience through your show. Thank you Jesus for the life of my daughter.🙏," aniya pa.

Proud din si Mommy Pinty sa anak, sa kabila ng samu't saring reaksiyon ng mga netizen sa pagiging endorser nito ng isang online shopping app, kasabay ng balitang marami umanong empleyado nito ang natanggal sa trabaho.

"Oh, give thanks to the Lord, for He is good! For His mercy endures forever. Let the redeemed of the Lord say so, whom He has redeemed from troubles/ from the hand of the enemy..Psalm 107:1-2. Thank you Lord for another blessing! Proud of you Tin! Godbless netizens and ka maintenance," ani Mommy Pinty.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/01/mommy-pinty-proud-kay-toni-may-bible-verse-para-sa-bashers-ng-anak/">https://balita.net.ph/2022/10/01/mommy-pinty-proud-kay-toni-may-bible-verse-para-sa-bashers-ng-anak/

Bukod sa bagong endorsement at talk show, inilabas na rin ni Toni ang mga pasilip para sa reunion movie nila ni "Eat Bulaga" host Joey De Leon, para sa Metro Manila Film Festival 2022.