Naging matagumpay ang kamakailang heart procedure ng aktor at senador na si Robin Padilla, pagbabahagi ng kaniyang misis na si Mariel Padilla nitong Sabado, Oktubre 1.

Abot-abot ang pasasalamat ng host at misis ng senador sa lahat ng mga naging kabahagi sa matagumpay na operasyon ng kaniyang asawa.

“We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers 🙏🏼,” mababasa sa Instagram post ni Mariel tampok ang maikling video kung saan makikita ang ilang tagpo sa ospital kalakip ang mensahe ng kanilang dalawang chikiting sa ama.

Sa parehong video, makikita rin kung gaano naging ka-hands-on ang misis sa pag-aalaga kay Robin.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Special mention din ni Mariel ang ilang medical professionals na nagtulong-tulong para gawing posible ang matagumpay na operasyon.

Bagaman hindi nabanggit ang naging medikal na karamdaman ng asawa, matatandaan ang pagsasalaysay mismo ng aktor-senador sa naging trip nila sa Espanya noong Mayo kung saan naisugod siya sa isang pagamutan.

“Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno. Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako,”pagbabahagi niya noon.

Dito, niresetahan lang noon si Robin ng limang araw na gamutan para sa kaniyang alta presyon.

Basahin: Senator-elect Robin Padilla, naospital habang nasa Espanya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ilang mga kaibigan naman sa showbiz ang nagpaabot ng dasal para sa mabilis na paggaling ng senador.

“Palakas ka ka agad my brother Senator Robin! Praying for you and your entire family! Love you ma! 😍😍😍 your the best mother and wifey ever!!!😍😍😍” komento ni Karla Estrada.

“Praying for senator @robinhoodpadilla 🙏🏻,” sabi rin ni Aiko Melendez.

“Praying for Kuya Sen’s complete and fast recovery,💙🙏🏻” komento ni Angelu De Leon.

“Praying for a full and fast recovery! 🙏🏽🙏🏽🙏🏽” ani Iza Calzado.