Binalaan ngDepartment of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa scammer na nagpapanggap na siya si DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Sa pahayag ng DBM, itinanggi ng ahensya na hindi Facebook account ni Pangandaman ang "Aminah F. Pangandaman" na nagbibigay ng pangako sa mga local government unit na pabibilisin ang kanilang transaksyon sa ahensya.

Pagbibigay-diin ng DBM, naghahanap lang ng mabibiktima ang nasabing social media account at niloloko lang nito ang publiko.

“This is to warn the public against transacting with the Facebook account Aminah F. Pangandaman. The said account entices the public with a promise of financial assistance to be paid through [virtual wallet] GCash, then asks for the personal pin (personal identification number) to be able to access the public's account,” sabi ng DBM.

Nilinaw ng ahensya, wala silang inaatasang tauhan o grupo na humihingi ng pera sa mga opisyal ng pamahalaan, kapalit umano ng mabilis na pagpapalabas ng badyet o pondo ng LGU na bibiktimahin ng grupo.

PNA