Simula sa Oktubre 1, babawasan ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG).
Sa abiso ng Petron Corporation nitong Biyernes ng gabi, tatapyasan nila ng ₱2.55 ang presyo ng kada tangke ng LPG sa unang araw ng susunod na buwan.
Nangangahulugan na aabot sa ₱28.05 ang itatapyas sa presyo ng 11 kilos ng tangke ng LPG.
Aabot din sa ₱2.55 ang ipatutupad ng Phoenix Petroleum at Solane na bawas-presyo sa kada tangke ng LPG.
Idinahilan ng mga kumpanya ng langis ang paggalaw ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.
ReplyForward