Naitala na ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Metro Manila nitong Sabado.

Sa datos ng DOH, aabot sa 3,822 bagong bilang ng kaso ng virus sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 1,692 ang natukoy sa Metro Manila at pinakamataas na kaso simula Pebrero 2 ng taon.

Sa kabuuan, nasa 3,951,766 na ang nahawaan ng sakit mula nang maitala ang unang kaso nito sa Pilipinas noong 2020.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aminado rin ang ahensya mas kaunti na ang nagpapa-booster shot kasabay na rin ng pagluwag ng protocol laban sa Covid-19 sa bansa at pagod sa naging epekto ng pandemya.

Sa kabila nito, nanawagan na lamang ang DOH sa publiko na sumunod pa rin sa safety at health protocol laban sa sakit.