Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang mga generic na gamot ay pare-parehong ligtas at epektibo rin gaya ng mga branded na katapat nito.

“People have to understand also whether it be branded or unbranded generics, pareho lang ang safety, efficacy," sabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kamakailan.

“Pareho lang iyan ng ibibigay na effectiveness para sa binili niyo o purpose ng gamot na iyon as long as the Food and Drug Administration has given its clearance or authorization for that specific product,” dagdag niya.

Tiniyak din ng DOH na mataas ang kalidad ng mga generic na gamot na makukuha sa merkado.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“Kung pupunta kayo sa drugstore na linsensyado ng Food and Drug Administration, kasi yung mga drugstores po ay hindi pwedeng magbenta ng mga counterfeit at pekeng gamot," sabi ni DOH Pharmaceutical Division Director Dr. Anna Melissa Guerrero sa isang panayam sa radyo, Sabado, Oktubre 1.

Sinabi ni Guerrero na maging ang DOH ay gumagamit din ng mga generic na gamot para sa kanilang mga programa.

“Ako po ay doktora at gumagamit ng generic. Lahat po kami sa Department of Health, pag bumibili kami ng gamot generic po lahat ng gamit ng Department of Health sa aming mga programa at maganda naman po ang outcome ng mga programa ng Department of Health,” aniya.

“Marami na po tayong nakikita na outcomes din po na meron kaming hypertension program, diabetes program at nakokontrol naman po ang kanilang blood sugar at high blood,” dagdag niya.

Analou de Vera