Trending sa Twitter ngayong unang araw ng Oktubre ang "Tunying" o tumutukoy sa batikang broadcaster na si Anthony Taberna, matapos ang kaniyang pambabarda sa mga Kakampink, sa kasagsagan ng panawagang i-boycott o i-cancel ang isang online shopping app, dahil sa pagkuha nito kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga bilang endorser.
Ayon sa isinagawang live ni Ka Tunying sa kaniyang YouTube channel noong Setyembre 29, wala umanong kadala-dala ang mga netizen, na tinukoy niyang mga "Kakampinks", batay na rin sa pamagat nito.
“Wala kayong kadala-dala… 'yang boycott-boycott n'yo na 'yan malaking kalokohan 'yan… dahil marami nang Pilipino ang nabu-buwiset diyan sa boycott, boycott i-style n'yo na 'yan,” aniya sa kaniyang live.
“Hindi pa ba kayo nakaka-move on sa matindi at kahiya-hiyang pagkatalo ng manok n'yo? Dapat tapos na yun, tapos na yun. Puwede ba tama na? Sinasaktan n'yo lang ang sarili n'yo,” dagdag pa niya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/01/wala-kayong-kadala-dala-ka-tunying-binanatan-mga-kakampink-na-nananawagan-ng-boycott/">https://balita.net.ph/2022/10/01/wala-kayong-kadala-dala-ka-tunying-binanatan-mga-kakampink-na-nananawagan-ng-boycott/
Tila na-trigger naman ang mga Kakampink sa Twitter world at pumalag sa mga tinuran ni Taberna. Naungkat pa ng mga ito ang mga negosyong restaurant at bakery ng broadcaster-journalist.
"I have that kind of feeling the push backs against Gonzaga as the new endorser of Shopee and a call for a boycott is really gaining momentum at this point. Let's do this and let's make it happen. Isampal natin sa pagmumukha ni Ka Tunying ang galit ng 15M na bumoto KAY ATTY LENI."
"Mga kakampink boycott Tunying restaurant and all social media. Let us show are force."
"Dear Tunying, please don’t worry, Kakampinks won’t boycott your bakery. We can’t boycott anything we never considered patronizing."
"Please don't pay attention to Tunying. Even during the election, he's trying hard to be relevant."
"IBOYCOTT ANG NEGOSYO NI TUNYING! Pakilista dito kung alin at saan. Tapos RT natin ng madaming beses at walang katapusan nang maramdaman ni Tunying ang epekto ng pambabalewala niya."
Sa kabilang banda, may mga netizen din na nagtanggol kay Tunying, at wala raw kinalaman sa kaniyang paniniwala ang pag-boycott sa kaniyang mga negosyo, na nagsisilbing mapagkukunan ng hanapbuhay ng kaniyang mga empleyado.
"Willing ba kayong bigyan ng bagong work yung mga mawawalan ng trabaho kapag nagsara sila?"
"Just because he's enabler, damay ang store and his employees? Paano pala if Kakampink empleyado niya and because of this cancel culture and napasara sila, wala na kikitain yung mga walang kinalaman sa owner nila?"
"Tunying Taberna was one the first victims of Kakampink's cancel culture. The same results, their boycott did not prosper. Here is the thing, destroying someone's livelihood is hard to forgive. You can't blame his anger."
"Hindi, Kuya Tunying. Ang sumasakit lang sa kanila ay ang daliri nila sa kaka-tweet!"
"Huwag idamay yung mga negosyo niya kasi kawawa naman mga empleyado! Wala naman silang kinalaman sa views ng owners."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Taberna tungkol sa dahilan ng kaniyang pagiging trending sa Twitter.