Bibili lang sana ng sinturon si Megastar Sharon Cuneta sa isang Hermès store sa Seoul, South Korea nang maharang sa pintuan pa lang at ‘di makapasok. Tila rumesbak naman ang showbiz icon bitbit ang anim na bag ng mga pinamili sa kabilang Louis Vuitton.

Parang eksena sa pelikulang “Pretty Woman” ang tagpo sa ikatlong part ng MEGA Travels - Seoul vlog ni Megastar matapos itaboy siya at ng kaniyang kasama ng isang salesman ng Hermès store.

Mapapansing dismayado, lumipat na lang ng Louis Vuitton si Mega kung saan dito ay maayos na inasikaso ng ilang salesman ang ilan niyang request.

Tila regular customer namang trinato ng mga tauhan ng tindahan si Mega at napagbalutan pa ng bulaklak at champagne, bagay na abot-abot na ipinagpasalamat ng aktres.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Maya-maya pa’y makikita na ang anim na bag ng luxury brand na naglalaman ng mga pinakyaw ni Mega nang wala sa oras.

Habang kinakausap ang mga nag-asikasong tauhan ng Louis Vuitton, sunod na ibinahagi ng aktres ang kaniyang ilan taon nang showbiz career

Maayos ding nagpaalam ang lahat ng sales attendant nang mamaalam ang grupo ni Mega sa tindahan.

Maya-maya pa, muling dinaanan nina Mega ang nagtaboy na tindahan at sa harap mismo ng lalaking hindi sa nagpapasok sa kanila, ang saad lang ng icon, “Look? I bought everything.”

Hindi na bago para sa batikang aktres ang naturang insidente.

Sa isang ">panayam noong 2019, inamin ni Mega na tatlong beses na siyang nakaranas ng diskriminasyon sa parehong sitwasyon.

Tumatak sa aktres ang insidente ng isang Cartier boutique sa Hong Kong kung saan sinungitan umano siya ng sales attendant.

“[My outfit] was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me.’ ‘I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry,”pagbabahagi ni Mega.

&t=1511s