Inaabangan na ng fans ang brand new collaboration ng “The Rose” at ni James Reid para sa muling pagbabalik sa music scene ng kilalang K-pop rock band matapos ang kanilang matagumpay na EP noong 2018.
Noong Huwebes, Setyembre 29, nilantad na ng The Rose ang sampung tracklist na lalamanin ng kanilang “Heal” comeback album.
Dito, nalaman ng fans ang sampung kanta kabilang ang album single na inilabas ng grupo kamakailan na ">“Childhood,” “Definition of ugly is,” “Shift,” “Cure,” bukod sa iba pa.
Agaw-pansin naman sa Pinoy Black Roses ang collaboration ng banda kasama ang singer at music producer na si James Reid sa kantang “Yes.”
Matatandaang naispatan kamakailan sa ilang magkakahiwalay na social media post ang Filipino-Australian artist kasama ang miyembro ng The Rose na sina Woosung, Dojoon, Hajoon at Jaehyung sa California sa US.
Parehong abala ang bawat panig para sa kanilang upcoming albums.
Sa darating na Oktubre 6, sa wakas ay mapakikinggan na ng Black Roses ang sampung kanta ng The Rose.
Bago nito, inilabas na rin ng grupo ang &t=184s">“The HEAL Project” nitong Biyernes, Setyembre 30.
Ito rin ang hudyat ng inaabangan nang sold-out world tour ng banda ngayong 2022.
Exchange collaboration?
Tila inaasahan naman ng fans na ang The Rose naman ang mapi-feature sa upcoming album din ni James ngayong buwan.
Una nang sinabi ni James na sampung track ang aabangan ng fans para sa susunod niyang album sa ilalim ng “Careless Music” tampok ang ilang South Korean at American artists.
“We’re very in sync with what we’re trying to achieve. I can take this globally,” kumpiyansang saad ni James.
Maliban sa The Rose, noong Hulyo, naispatan sa South Korea sina James at Liza kasama ang ilang naglalakihang Kpop artists kabilang na sina Got7 Jay B, Jay Park, at IKON DK.