Nararamdaman na ng mga pribadong ospital ang kakulangan ng mga healthcare workers sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.
Sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano, kahit handa na sila sa pagtanggap sa mga bagong pasyenteng tinamaan ng virus, problema pa rin nila ang kakulangan ng mga healthcare worker.
“Maraming healthcare worker na umaalis sa pribadong ospital, either lumilipat sila sa public hospital o nangingibang bansa,” sabi ni de Grano sa panayam sa telebisyon nitong Sabado
Kamakailan, sinabi ngDepartment of Health (DOH) na nangangailangan ng 106,000 na nurse ang mga pampubliko at pribadong ospital sa gitna ng kampanya ng bansa laban sa pandemya.
Sinabi rin ng DOH na nangangailangan din ang bansa ng 67,000 na doktor, 6,000 na pharmacist;5,500 na radiologic technologist; 4,400 na medical technologist; 1,600 na nutritionist; 700 na midwife; 223 na physical therapist; at 87 na dentista.
Kamakailan, nanawagan sa gobyerno ang mga healthcare worker na itaas ang kanilang suweldo dahil na rin sa mataas na presyo ng mga bilihin.