Trending si dating senador at vice presidential candidate Kiko Pangilinan matapos niyang sagutin ang isang basher niya sa Twitter, at ginamitan ng nauusong balbal na salitang "Amakana" o mula sa "Tama ka na".
Sa isang tweet, isang netizen na nagngangalang "Michael" ang tumawag ng "enabler ng unlimited agri smuggling" kay Pangilinan, sa comment section ng tweet ng dating senador hinggil sa mga magsasaka. Sinabi rin niya sa mga netizen na may aabangan silang "#HapagBigay".
"Enabler ka ng unlimited agri smuggling. Lokohin mo ang sarili mo matsing," komento ng basher.
Niretweet naman ito ng dating senador at pinatulang komentuhan at bardahin.
"Amakana, Michael. Puro ka ganyan. Noong nasa senado pa ako, ako ang nagpa-imbestiga ng lantarang smuggling ng gulay at technical smuggling ng baboy."
Ibinahagi pa ng dating senador ang kopya ng resolusyon niya tungkol dito.
"Ito oh example ng reso ko. ispoon-fed na kita. Sa halip na Hello Pagkain, hello reso ang for you."
"Hello Reso, Goodbye Michael," aniya pa.
Agad na nag-trending ang "Sen. Kiko" at "Amakana" dahil dito.