Lilipad patungong bansang Thailand sa darating na Nobyembre upang i-representa ang Pilinas sa larong chess ang walong taong gulang na si Bince Rafael Operiano mula Albay.

Ito ay matapos manalo ni Operiano sa National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals Boys Under 9 Category, na naganap mula Setyembre 16 hanggang 23 sa Dapitan City Cultural Sports Complex, Zamboanga Del Norte.

Larawan: Edcel Grex Burce Lagman/FB

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Ayon umano sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP), magiging National Master (NM) ang status ni Operiano pagtungtong nito ng 10-taong gulang.

Binigyang-pugay naman ni Albay Vice-Governor Edcel Greco Lagman Jr. si Operiano at ang mga magulang nitong si Rosemary at Ben.

"Congratulations to Albay’s newest chess prodigy who hails from Barangay Busac, Oas and studies in San Isidro Elementary School. Congratulations man sa mama niya na si Mrs. Rosemary Roblico Operiano and sa papa niya na si Mr. Ben Operiano," ani Lagman sa isang Facebook post.

Aniya, umaasa rin siya na makakatanggap ng sapat na incentives ang chess prodigy na makakatulong upang mahasa pa ang galing nito sa larong chess.

"I am hopeful that the Municipal Government of Oas, through Mayor Domingo “Jun” Escoto, VM Hector Loyola Mallia and the honorable councilors of the Sangguniang Bayan of Oas, will give incentives to its very own Albayano chess champion so he can continue on with his very promising chess journey," ani Lagman.