Nasa balag ng alanganin ngayon si Manila City Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at ang pinalitan nito sa puwesto na si dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos silang kasuhan ng plunder at graft sa Office of the Ombudsman nitong Huwebes ng implementasyon ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Bukod kina Lacuna-Pangan at Domagoso, sinampahan din ng kasong paglabag sa Republic Act No. 7080 (Plunder), Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Republic Act 10173 (Data Privacy Law), at Republic Act 6713 o angCode of Conduct and Ethical Standards sinaQPAX Traffic Systems, Inc. Chief Executive Officer Manolo Steven Ona.
Ang reklamo ay isinampa ng abogadong si Alexander Lopez na kumandidato sa pagka-alkalde nitong nakaraang eleksyon. Gayunman, natalo siya ni Lacuna.
Habang isinusulatang balitang ito, wala pang inilalabas na pahayag sina Lacuna-Pangan at Domagoso sa nasabing usapin.
Inakusahan ni Lopez sina Lacuna-Pangan at Domagoso na ginagamit umano ang NCAP upang pagkakitaan.
Binanggit ni Lopez na layunin ng NCAP na maiwasan ang pangongotong, mapaluwag ang trapiko sa Maynila at mawala ang pasanin ng gobyerno sa mga dating sistema ng pagpapatupad ng batas-trapiko.
Nasilip din ni Lopez ang pakikipagkasundo ng Manila City government saQPAX na nangangasiwa sa pagpapatupad ng batas ng NCAP. Mayroon din aniyangporsyento ang QPAX sa nakokolektang multa sa mga lumalabag ng batas-trapiko.
Kinuwestiyon din ni Lopez ang teknolohiya ng QPAX dna hindi umano angkop para sa NCAP dahil tinutukoy lamang nito ang sasakyan at nakarehistrong may-ari nito at hindi ang nagmamaneho nito.
“The real offender is the driver and not the registered owner of the vehicle allegedly used to commit or has committed a traffic offense,” paliwanag ni Lopez sa kanyang affidavit of complaint na isinampa nito sa anti-graft agency.
Kaugnay nito, nanawagan din ito sa Ombudsman na suspendihin si Lacuna-Pangan habang iniimbestigahan ang usapin upang hindi umano nito maimpluwensyahan ang kaso nito.
Czarina Nicole Ong Ki